HomeHome  CalendarCalendar  FAQFAQ  SearchSearch  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  RegisterRegister  Log inLog in  
Welcome! Enjoy your stay here!

Share | 
 

 Joke Time muna mga Sir! :))

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
JefyJef
Administrator
avatar

Posts : 106
Reputation : 2
Join date : 2011-03-29
Age : 29
Location : behindYOu

PostSubject: Joke Time muna mga Sir! :))   Sat Apr 02, 2011 11:55 am

Bra at Panty
Quote :
Misis: Honey luma na ang mga bra ko. Bili mo ako ng bago.

Mister: Huwag na honey maliit naman yang boobs mo eh sayang lang ang pera.

Misis: Eh, bakit ikaw naka brief ka?

Eh, di sinayang mo lang ang pera!


Gustong Makatikim
Quote :
Nagkaroon ng trouble ang airplane at magka-crash landing kaya't sabi ng piloto "Fasten your seat belt".

Isang babae nag-panic at nagsisigaw, "Ako'y babae, nais kong maranasan ang dapat maranasan ng isang babae bago bumagsak ang eroplanong ito! Mayroon ba sa iyong magpapatunay na ako'y babae?"

Tingin ang mga kelot at kinilatis ang babae. Medyo may edad at medyo di maganda. Walang nag-volunteer.

Sigaw ng babae: "Maawa na kayo, patunayan ninyong ako'y babae!"

"Ako!" sigaw ng isang pogi, malaki at bato-batong lalake habang ina-alis niya ang butones ng kanyang polo.

Nanginig ang babae habang lumalapit ang kelot sa kanya.

Tahimik ang lahat...

Matapos mahubad ng lalake ang kanyang pantaas ay nagsalita ito, "Babae, ito damit ko labhan mo!"


Ang pagtataksil
Quote :
Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan. Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa.

"Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat sa iyo."

"Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo."

"Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........"

"Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo rito sa mundo."

"Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinagtaksilan kita. Sana ay patawarin mo ako."


Magnanakaw ng De Lata
Quote :
Isang babaeng "klepto" ang nahuling nag shoplifting ng de lata sa isang supermarket. Siya ay humarap sa korte, kasama ang kanya asawa for moral support.

Dahil napatunayan siyang nagnakaw, siya ay hinatulan ng judge.

"Ginang, dahil sa ikaw ay napatunayang nagnakaw ng isang de lata ng kamatis, ikaw ay hinahatulang makulong ng isang araw sa bawat kamatis na laman ng latang ito. Kung lima ang laman nito, limang araw ka ring makukulong. Sang ayon ka ba sa rito?" ang hatol at tanong ng judge.

"Opo", sagot naman ng ginang habang mangiyak-ngiyak.

Biglang tumayo ang asawa at nagsalita, "Your honor, pwede po bang lumapit sa inyo?".

"Dahil sa misis mo ang makukulong, pagbibigyan kita. Lumapit ka rito", sagot ng judge.

Mabilis namang lumapit sa judge ang asawa at nagsalita ng pabulong, "Your honor, nagnakaw din po siya ng de lata ng green peas!"


Ang Mabisang Pampalake
Quote :
Dalawang mag-barkada nag-uusap:

Mike: Bakit lumaki yung paa ni Amy?

Jun: Sinipa yung punso!

Mike: Eh, bakit lumaki naman yung nguso ni Fe?

Jun: Dinuraan yung punso...O pare saan ka pupunta?

Mike: Iihi sa punso!


Batambata ka
Quote :
MATRONA: Sa palagay mo, mahal, ilang taon na ako?

BINATA : Kung titignan ka ng naka sideview, 18 ka lang; kung nakatalikod naman 16 lang; kung sa tangkad, 14 ka lang. Bale pagnakaharap ka ang total ay 48, sweetheart.


Pakialamera
Quote :
Hinoldap ng isang lalake ang jeep na may pasaherong madre at prosti.

Holdaper: Rereypin ko lahat ng babae dito!

Prosti: Ako na lang poh! Maawa kayo sa kanila!

Madre: Lahat nga daw eh! Wag ka nang kumontra!Pakialamera ka!!!


Si Dan, taga Bicol
Quote :
Dumating si Dan sa Amerika sa tulong nang kanyang kumpare na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya masyado siyang maingat (TNT). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare.

Eh minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. "Pareng Dan," Sabi ni kumpareng itinatago ang inis, "Heto ang susi ng kotse, at mga credit cards ko. Mag-shopping ka naman sa mall, lumabas ka naman ng bahay nang malibang ka naman. Kung may problema ka, tawagan mo ako sa telepono sa opisina, papasok na ako."

Eto na po, dahil na siguro hiyang-hiya na rin si Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos ang kolokoy, sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si this word is prohibited (Dan) sa pamamasyal sa mall. Nakapili ng damit na gusto niya, pero pagdating sa cashier, biglang tanong sa kanya Sir! Visa or MasterCard?

Biglang nataranta at natakot si Dan, todo-panic ika nga! Karipas ng takbo palabas si Dan, dahil sa takot! "Aba!, tinamaan ng lintik at hinahanap ang visa ko!" sabi ni Dan, "Baka nabisto na ako!, Shet!" Sakay kaagad siya nang kotse ni kumpare, haruruot!.

Kaso, halos wala nang gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang gas station. Nang maglagay siya nang gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker, "Sir! pay first please!". "Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!"

Nagtatakbo si Dan sa maga eski-askinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang lumapit sa pay phone.(hingal)Kailangang...(hingal) ... matawagan ko .... (hingal) si Kumpare ... (hingang malalim, sabay lulon) para masundo niya ako rito ... (hingal).

Pagtaas niya ng telepono, narinig niya, "AT&T, how may I help you?" ... ..... "Aba, Anak ng putakteh!, alam na TNT ako! Buking na ako!" Pagbaba niya ng telepono, may amerkanong nakatayo sa likod niya, ang tanong ba naman.....

"Are you done?". Napahandusay si Dan sa phone booth. Biglang bulalas, "Buray kan ina!, alam pa ang pangalan ko!" Sa gulat ng amerikano ..... "Hey! be cool, man!", "Hinakupo," sabi ni Dan, "Alam pa kung taga-saan ako!". Sa matinding takot at nerbiyos ni Dan, nagpahuli na lang siya.
Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan siyang si "Dan Balikbayan".


Ayaw ng pamilya
Quote :
GIRL 1 : Halata na tiyan mo, bakit di pa kayo magpakasal ng BF mo?

GIRL 2 : Ayaw ng pamilya niya eh!

GIRL 1 : Sino may ayaw, tatay o nanay niya ?

GIRL 2 : yung misis niya!


Naging Milyonaryo
Quote :
"Ako ang tumulong sa asawa ko para maging milyonaryo!" pagyayabang ng isang misis sa kanyang mga kumare.

"Bakit, ano ba siya dati?" tanong ng isang kumare.

"Bilyonaryo." sagot ni misis na gastador.


Di na ako iinom
Quote :
An alcoholic son's letter to his Dad:

Beer dad,

Gin na 'ko mag-iinom whisky kelan man.
Tanduayan mo yan.

Your San,

Miguel


Pampers
Quote :
Kapag umiiyak ang baby, i PAMPERS mo!

Kapag umiiyak pa rin, i KIMBIES mo!

Pag ayaw pa ring tumigil sa pag-iyak aba'y, i HUGGIES mo na!!


Nakatipid Pauwi
Quote :
Takbong pumasok ng bahay si Totoy. Pagud na pagod, pero masayang-masaya. Nagmayabang pa sa ina.

"Nay! Nay! Nakatipid ako ng singko pesos."

"Nakatipid? Paano?" tanong ng nanay.

"Aba'y 'di ako sumakay ng dyip. Sumabay lang ako ng takbo. Kaya't nakatipid ako ng limampiso!"

"this word is prohibited ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo,
'Di mas malaki sana ang natipid mo!"
Back to top Go down
View user profile http://bangboys.clubme.net
 
Joke Time muna mga Sir! :))
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: The Lounge :: Humor and Jokes-
Jump to: